Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pangangailangang palakasin at pag-ibayuhin ang mga pamumuhunan at pag-export ng Pilipinas upang masiguro ang matatag at pangmatagalang paglago ng ekonomiya.
Sa Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) Mid-year Economic Forum sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na habang patuloy na pinapalakas ang pagkonsumo at pinapabuti ang mga serbisyo, dapat din palakasin ang pamumuhunan at pag-export, partikular na sa manufacturing at agribusiness.
Mahalaga aniya ang sektor ng export at manufacturing dahil nagbibigay ito ng mga trabahong may maayos na sahod para sa unskilled at semi-skilled workers.
Nanawagan si Balisacan sa pamahalaan na ituon ang pansin sa pagpapanatili ng momentum ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Diane Lear