Sa kauna-unahang pagkakataon, tinanggap ng Pilipinas ang makasaysayan na pagiging host ng First Asia Pacific Family Peace Leadership Conference.
Gagawin ito sa Manila Hotel mula July 19 hanggang July 22, 2024 na naglalayong patatagin ang kapayapaan sa mundo sa pamamagitan ng pamilya.
Aabot sa 700 delegado mula sa Asia Pacific Region ang inaasahang dadalo tulad ng mga bansang India, Thailand, Taiwan, South Korea, Mongolia, USA at dito sa Pilipinas.
Nakatakdang namang parangalan sa tatlong araw na komperensya sina Las Piñas City Representative Camille Villar dahil sa pagiging role model sa mga Kabataang Pilipino, dating Senator Manny Pacquiao bilang Pilantropo, Rep. Salvador Pleyto bilang model ng Pamilyang Pilipino, at Venerable Noppadon Siriwangso bilang Interfaith for Peace. | ulat ni Michael Rogas