Ipinagmalaki ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na numero uno ang Pilipinas sa budget transparency sa Asya sa pinakahuling Open Budget Survey.
Sa Post-SONA briefing, sinabi ng kalihim na sa survey na ito, nakakuha ang Pilipinas ng score na 76 rate.
Mas mataas sa target ng pamahalaan na 71 sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP).
“At the DBM, we are working hard to create a culture of transparency and good governance. I am proud to share that the last open budget survey showed that the Philippines is number one in budget transparency in Asia as we scored a rate of 76 – surpassing the government target under the PDP of only 71.” — Secretary Pangandaman.
Bukod dito, nagsisilbi nang leader ang Pilipinas sa Open Government Partnership sa pagsali nito sa Open Government Partnership International Steering Committee bilang isa sa mga nasyon na nag-institutionalize ng pagiging bukas ng pamahalaan nito sa pamamagitan ng Executive Order no. 31 na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Under the leadership of President Bongbong Marcos, we remain steadfast in cementing our position as a global leader in budget transparency, oversight and public participation in the process.” -Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan