Pumalo na sa P1.17 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil kay bagyong Carina at habagat.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 40,904 magsasaka at mangingisda ang apektado habang nasa 18,086 metric tons na ang nawalang produksyon.
May lawak na 42,708 ektarya ng agricultural areas ang nasalanta ng kalamidad.
Kabilang sa mga nasira ang pananim na palay, mais, high value crops, livestock, irrigation facilities, at pangisdaan.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at CARAGA Region.
Tiniyak naman ng DA na may nakahanda na silang interbensyon para matulungan ang apektadong magsasaka at mangingisda. | ulat ni Rey Ferrer