Planong pagbili ng mas maraming multi-role fighter aircraft ng Pilipinas, aprubado kay Pangulong Marcos — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong pagbili ng mga karagdagang multi-role fighter aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magagamit sa pagpapalakas ng kakayahang pandepensa ng bansa.

Ito ang inihyag ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. makaraang ilatag nila kay Pangulong Marcos ang updated defense plan na “Bantay Kalayaan” sa isinagawang Mid-Year Command Conference sa Kampo Aguinaldo kahapon.

Gayunman, sinabi ni Brawner na wala pang nabubuong desisyon sa kung anong klaseng MRF aircraft ang bibilhin ng Pilipinas at kung gaano karami iyon.

Bagaman mayroong 12 unit ng FA-50 ang Philippine Air Force (PAF), aminado si Brawner na hindi pa rin ito sapat para ipagtanggol ang Pilipinas mula sa iba’t ibang banta.

Ang kailangan ngayon ani Brawner, mas marami, mas malaki, mas mabilis, at mas mabangis na multi-role fighter aircraft gaya ng F-16s ng US Lockheed Martin at ng JAS-39 ng Swedish Saab na siyang posibleng contender para sa proyekto.

Binigyang-diin pa ng AFP chief na ang pagbili ng mga karagdagang kagamitan para sa external defense ay bahagi ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us