PNP Chief, nag-abot ng tulong sa mga pulis na apektado ng bagyo at habagat sa Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na binisinta at inabutan ng tulong ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil nitong Sabado ang mga tauhan ng PNP sa Central Luzon na apektado ng bagyong Carina at ng habagat.

Kasama si Brigadier General Roderick Agustus Alba, acting director ng Directorate for Police Community Relations (DPCR) namahagi si Gen. Marbil ng relief goods at financial assistance sa mga tauhan ng Macabebe at Masantol Municipal Police Station sa Pampanga.

Sinabi ng PNP chief na ang mga pulis ang “backbone” ng kaligtasan at seguridad ng mga komunidad, kaya mahalaga na mabigyan sila ng suporta sa panahon ng pangangailangan.

Hanggang noong Biyernes, nasa kabuuang 2,082 PNP personnel, kabilang ang 2,027 pulis at 55 non-uniformed personnel (NUP) ang napinsala ng nagdaang sama ng panahon.

Ang pagbisita ng PNP chief sa Pampanga ay para din magsagawa ng assessment sa pangkalahatang sitwasyon sa mga apektadong lugar para masiguro na ang lahat ng available resources ay naka-deploy para sa recovery at rehabilitasyon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us