Tinatanggap ng Philippine National Police (PNP) ang ibinigay na ultimatum ni Senate Presidet Pro Tempore Jinggoy Estrada na paharapin sa pagdinig ng Senado si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa loob ng dalawang linggo.
Ito’y makaraang magbulalas ng kaniyang pagkadismaya ang senador dahil sa tumatagal na pagdinig hinggil dito ng Mataas na Kapulungan ay hindi pa rin lumulutang muli ang alkalde buhat nang masuspinde ito.
Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame kahapon, sinabi ni PNP Public Inforamation Office Chief, Police Col. Jean Fajardo na itinuturing nilang hamon ang naging pahayag ng senador.
Gagamitin aniya nila ang lahat ng makakaya ng PNP sa abot ng kanilang kapangyarihan upang iharap sa Senado ang suspendidong alkalde. | ulat ni Jaymark Dagala