PNP, mananatiling naka-alerto sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magbababa ng kalasag ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ng seguridad ng mga estudyanteng magbabalik eskuwela ngayong araw.

Ito’y sa kabila na rin ng anunsyo ng Department of Education (DepEd) gayundin ng iba’t ibang lokal na pamahalaan na suspendido pa rin ang pagbubukas ng klase bunsod ng epekto ng habagat at nagdaang bagyong Carina.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, nasa 33,000 pulis ang kanilang ipinakalat upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral na papasok sa mga paaralan.

Una nang inihayag ng DepEd na aabot sa 979 na mga pampublikong paaralan ang hindi muna magtutuloy sa pagbubukas ng klase dahil na rin sa nagpapatuloy ang paglilinis sa mga ito habang ang iba pa ay gamit pa ring evacuation centers.

Ayon kay Fajardo, inatasan ang mga pulis na magsagawa ng pagpapatrulya sa paligid ng mga paaralan gayundin ay maglatag ng Police Assistance Desk para umalalay sakaling magkaroon ng emergency. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us