PNP, nagbabala sa mga militanteng magsusunog ng effigy sa SONA ni Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananagot sa batas ang alinmang militanteng grupo na magtatangkang magsunog ng kanilang effigy kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng inilabas ng pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na paiiralin nila ang Batas Pambansa 880 na sumasaklaw dito.

Giit ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, malinaw na nakasaad sa nabanggit na batas na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang bagay sa kalsada kaya’t paki-usap nila sa mga magkikilos-protesta na huwag nang gawin ito.

Una rito, inihayag ng PNP na nasa final stage na sila, isang linggo bago ang ikatlong SONA ng Pangulo at hinihintay na lamang nila ang ilalabas na mga permit ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon kung aling grupo ang papayagang magkasa ng aktibidad

Kasunod nito, muling tiniyak ng PNP na wala silang namo-monitor na anumang seryosong banta habang ayaw namang patulan ng Pambansang Pulisya ang mga personalidad na tila nag-iinstiga ng gulo sa mismong araw ng SONA. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us