Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na umabot sa 21 ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa bagyong Carina at habagat.
Base ito sa mga ulat mula sa lokal na himpilan ng pulis sa mga apektadong lugar.
Ayon kay Fajardo, pinakamarami ang iniulat na nasawi sa Region 4A na nasa 11; 7 sa National Capital Region, at 3 sa Region 3.
Pagkalunod ang dahilan sa pagkasawi ng karamihan sa mga biktima.
Sinabi rin ni Fajardo na 15 ang naitalang sugatan at 5 ang nawawala.
Ang tala ng PNP ng nasawi ay mas mataas kaysa sa unang iniulat ng NDRRMC na 14 na patay sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.
Pero ipinaliwanag ng NDRRMC na sasailalim pa sa validation ang tala ng PNP. | ulat ni Leo Sarne