Pondo para sa pagtatayo ng F. Manalo Linear Park, matatanggap na ng San Juan LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na matatanggap na nila ang pondo bilang alokasyon sa pagpapagawa ng F. Manalo Linear Park sa Brgy. Batis.

Ito’y bilang bahagi ng pagbuhay sa dating proyekto ng Pasig River Rehabilitation Commission sa ilalim ng Adopt-a-Park Program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ginawa ng alkalde ang pahayag kausnod ng kaniyang pagdalo sa Local Government Support Fund – Green Green Green Program na kapwa inorganisa ng MMDA gayundin ng Department of Budget ang Management (DBM).

Kasabay ng naturang proyekto sa lugar ang pagtatayo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) kung saan, aabot sa mahigit limang libong informal settler families sa San Juan City ang makikinabang.

Ilalagay ang naturang pook-pasyalan sa 10 metrong easement na nakuha ng Pamahalaang Lungsod sa tapat ng Pasig River at siya namang kokonekta sa San Juan River. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us