Pondo para sa salary increase at HMO ng mga kawani ng gobyerno, kasado na — DBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang magandang balita na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang katatapos lang na SONA para sa mga kawani ng gobyerno.

Ani Pangandaman mayroon nang ₱36 billion na pondo na inilaan para sa salary increase ng mga government workers ngayong taon para sa unang tranche.

Bukod pa aniya ito sa pondo na ipinaloob sa 2025 National Budget para naman sa 2nd tranche ng umento sa sahod.

Hindi naman aniya kailangan ng batas para dito at sasapat na ang paglalabas ng executive order ng Pangulo.

Maliban dito magkakaroon na rin aniya ng HMO ang government workers.

Nasa ₱10 billion naman ang pondong inilaan dito o katumbas ng ₱7,000 kada taon para sa kada kawani.

Batid naman aniya na walang HMO ang mga empleyado ng gobyerno.

Sa kaniyang SONA inanunsyo ni PBBM na magkakaoon ng apat na tranche para sa salary increase para sa mga manggagawa sa pamahalaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us