Umapela na ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Carina at habagat.
Hanggang ngayon, libo-libo pang pamilya ang nangangailangan ng pagkain, tubig, masisilungan
at iba pang basic services.
Sino man ang mag-donate ng pera ay makipag-ugnayan lang sa PRC o di kaya ay ihulog sa mga bank accounts nito.
Batay sa ulat ng PRC-Operations Center, mahigit 123,000 indibidwal o 29,500 mga pamilya ang nananatili pa sa 639 evacuation centers sa Mega Manila at iba pang rehiyon sa bansa.
Nakapamahagi na ng hot meals ang PRC sa evacuation centers at nakapag-deploy ng water tankers sa affected communities bukod sa iba pa. | ulat ni Rey Ferrer