Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na aprubado na ang pre-feasibility study para sa paglalagay ng Cable Car Project sa lungsod.
Ito’y matapos ang serye ng mga pagpupulong sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at foreign consultant kaugnay sa proyekto.
Ayon sa Antipolo LGU, sa 2025 gagawin ang detailed feasibility study sa proyekto na popondohan naman ng Asian Development Bank (ADB) para malaman ang gastusin at passenger capacity habang sa 2026 naman sisimulan ang bidding.
Dito rin inaasahang masisimulan ang pagtatayo ng cable cars na magdudugtong gayundin ay magsisilbing feeder system na siya namang maghahatid ng mga pasahero mula sa MRT-4.
Posibleng abutin ng dalawang taon ang construction ng kauna-unahang cable car ng pamahalaan sa Pilipinas at kung walang magiging delays ay pwede na itong maging operational sa 2028. | ulat ni Jaymark Dagala