“The president is secured.”
Ito ang tiniyak ni Gen. Nelson Morales (PAF), commander ng Presidential Security Command (PSC) kaugnay sa seguridad ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong SONA sa July 22.
Ayon kay Morales, sa anumang event ng Pangulo, ay lagi nilang tinitiyak ang kaniyang seguridad.
Nasa 1,400 na miyembro aniya ng PSC ang ide-deploy sa SONA sa Lunes.
Maliban pa ito sa 22,000 na PNP personnel at 2,700 na force multipliers.
Ngayong araw ay isinagawa ng huling inter-agency meeting gayundin ang final walkthrough sa mga mangyayari sa SONA.
Sa Huwebes, July 18 ang huling pagkakataon para sa mga media na ilatag ang kanilang mga kagamitan dahil pagsapit ng hatinggabi hanggang sa Linggo ay magpapatupad na ng full lockdown sa Batasan Complex. | ulat ni Kathleen Forbes