Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Hunyo.
Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng regular, well-milled pati na ng premium rice noong nakaraang buwan.
Nasa halos ₱0.40 sentimos ang ibinaba sa bentahan ng premium rice na mula sa ₱53.80 noong Abril ay bumaba na sa ₱53.41 nitong Hunyo.
Bumaba rin sa ₱50.26 kada kilo ang average wholeprice ng well milled rice habang nasa ₱56.52 naman ang kada kilo ng regular milled rice.
Batay naman sa Bantay Presyo ng DA, mabibili ngayon sa ₱45 ang pinakamababang presyo para sa regular milled rice, ₱48 ang kada kilo ng well milled rice, nasa ₱50 naman ang premium rice habang ₱57 ang kada kilo ng special rice.
Una na ring tiniyak ng DA na bababa na sa mga susunod na buwan ang presyo ng bigas sa merkado kasunod ng ipinatupad na EO-62 o ang tapyas taripa sa imported rice. | ulat ni Merry Ann Bastasa