Presyo ng bigas, di inaasahan ng DA na tataas sa kabila ng hagupit ng habagat at bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang dahilan ang Department of Agriculture (DA) para tumaas ang presyo ng bigas sa merkado.

Ito ay kahit pa apektado ang agri sector ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, batay sa kanilang monitoring, walang mga warehouse ng bigas ang nabaha o napinsala kasunod ng bagyo.

Nananatili rin aniyang maganda ang lebel ng importasyon ng bigas sa bansa kaya walang rason para tumaas ang bentahan nito.

Sa kabila nito, aminado si Asec. De Mesa na posibleng magkaroon ng pagtaas sa mga susunod na araw sa presyo ng itlog at gulay dahil sa epekto ng bagyong Carina at habagat.

Sa panig ng DA, tuloy-tuloy pa rin naman ang assessment at validation nito sa mga sakahang napinsala ng nagdaang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us