Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagaman may pagtaas sa presyo ng itlog sa Marikina Public Market, nananatili pa ring malakas ang bentahan nito.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Ariel na isa sa mga nagtitinda ng itlog na nakababawi na sila ngayong malakas ang demand sa itlog.

Kadalasan aniya itong inilalahok sa ulam ng mga namimili lalo na sa mga masasabaw na pagkain tuwing bumubuhos ang ulan tuwing hapon o gabi.

Gayunman, dahil sa kapos pa rin ang suplay ng itlog subalit mataas ang demand kaya tumataas ng ₱5 hanggang ₱10 ang presyuhan nito ngayon.

Ang kada tray ng small na itlog ay nasa ₱175 mula sa dating ₱165, mula sa dating ₱182 ay nasa ₱192 na ngayon ang kada tray ng medium size na itlog.

Nasa ₱205 na ngayon ang kada tray ng large size na itlog, mula sa dating ₱192, habang nasa ₱230 na ngayon ang kada tray ng extra large na itlog, mula sa dating ₱225 at ang Jumbo ay nasa ₱240 mula sa ₱235.

Katumbas naman ito sa ₱6.50 kada piraso ng small size na itlog, ₱7 sa medium, ₱7.50 sa large, ₱8.50 sa extra large, habang nasa ₱9 ang jumbo na itlog.

Ayon kay Ariel, sa susunod na linggo pa inaasahang mararamdaman ng mga mamimili ang mataas na presyuhan ng itlog dahil sa ilang mga estudyante ang inaasahan nang magbabalik eskuwela. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us