Price freeze sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity, ipinaalala ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity.

Kasunod nito, ipinaalala ni DTI Secretary Alfredo Pascual na umiiral ang price freeze sa mga lugar na deklarado ang State of Calamity kaya hindi dapat magkaroon ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Magugunitang isinailalim sa State of Calamity ang Metro Manila, Batangas, Cavite, at Cainta sa Rizal dahil sa pinsalang idinulot ng mga pagbaha na dala ng hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina.

Bukod sa mga pangunahing bilihin, ipinaalala rin ng DTI na kasama sa pag-iral ng price freeze ang presyuhan ng gamot.

Samantala, nagbabala rin ang DTI sa mga negosyo gaya ng mga hotel at transient homes laban sa price gouging o hindi makatuwirang pagtataas ng presyo.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us