‘Provisional Understanding’ ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, welcome sa Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Estados Unidos ang “Provisional Understanding” ng Pilipinas at China pagdating sa mga Rotation and Resupply Mission sa Ayungin Shoal.

Ito ang inihayag ni US Secretary of State Antony Blinken sa pulong balitaan kahapon sa Camp Aguinaldo kasama si US Department of Defense Secretary Lloyd Austin III, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ayon kay Blinken, maraming bansa sa rehiyon ang nababahala sa escalatory actions ng China sa South at East China Sea kabilang ang kanilang pagsuway sa 2016 Arbitral Ruling.

Kaya ikinalulugod aniya ng Estados Unidos na walang hindi kanais-nais na insidenteng naganap sa unang RORE Mission na isinagawa kasunod ng kasunduan.

Binigyang-diin ni Blinken na mahalaga na mapanatili ang ganitong kalakaran at hindi minsanan lang.

Matatandaang matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines ang RORE Mission sa BRP Sierra Madre noong July 27, sa gitna ng presensya ng mga barko ng Chinese Coast Guard, People’s Liberation Army Navy, at Chinese Maritime Militia sa bisinidad ng Ayungin Shoal.  | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us