PUV modernization program, pinapasuspinde muna ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pirmado ng 22 mga senador ang resolusyon na nananawagan na pansamantala na munang suspendihin ang pagpapatupad ng public transport modernization program (PTMP) o ang PUV modernization program (Senate Resolution 1096).

Tanging si Senator Risa Hontiveros lang ang hindi pumirma sa naturang resolusyon na isinulong ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo.

Nakasaad sa resolusyon na kailangan munang suspindihin ang PTMP para masusing pag aralang mabuti ang epekto nito.

Gayundin para matugunan ang pangamba ng mga driver at transport operators na direktang maaapektuhan ng pagpapatupad ng programa.

Ginigiit rin ng mga senador, na dapat pakinggan ang mga hinaing ng mga apektadong driver, grupo, unyon, at transport cooperatives partikular na ang mga isyu nila sa konsolidasyon sa mga kooperatiba.

Sa huli, nanawagan ang mga senador sa Department of Transportation na solusyunan at ayusin ang mga alalahanin na ipinahayag ng mga apektadong stakeholder, lalo na ng mga driver.

Para naman sa mga napilitan o nagboluntaryong mag-consolidate, malaya pa rin silang dumaan sa kanilang karaniwang ruta habang nagpapatuloy ang review. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us