QC LGU, nag-abiso na sa mga motorista sa ipatutupad na traffic rerouting plan sa araw ng SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala na ang Quezon City government sa ipatutupad na Traffic Rerouting Plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Lunes, July 22, 2024.

Binuo ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Task Force SONA 2024, Philippine National Police, Quezon City Police District, Presidential Security Group at QC Transport and Traffic Management.

Ayon sa LGU, magkakaroon ng zipper lane o counterflow sa Commonwealth Avenue (southbound portion) para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us