Suspendido na ang klase sa lahat ng lebel sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City bukas Hulyo 22, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y base sa inilabas na Executive Order #16 ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, noong Hulyo 19, 2024.
Paliwanag ng alkalde na maaapektuhan ng road closures ang mga residente at estudyante at titindi pa ang bigat ng daloy ng trapiko.
Partikular na dito ang mga paaralan na malapit sa mga aktibidad na may kinalaman sa SONA.
Sabay ding sinuspinde ang taunang Brigada Eskwela sa lungsod na nakatakda sanang magsimula bukas, sa halip, itinakda ito sa araw ng Martes.
Payo pa ng alkalde sa mga residente at mga estudyante na makinig na lamang sa SONA ni Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Rey Ferrer