Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas, welcome kina SP Escudero at Sen. Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagkakapirma ng reciprocal access pact sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Escudero, suportado niya ang anumang kasunduan na magpapalakas at magpapataas ng kakayahan ng ating militar.

Sinabi naman ni Senador Juan Miguel Zubiri, na napapanahon ang kasunduang ito at mapapataas nito ang defense operability ng ating bansa sa mga kaibigan natin sa Asya.

Ayon kay Zubiri, sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mapapalakas ang naval training ng Pilipinas at magagamit ng husto ang mga sasakyang pandagat, at iba pang kagamitan na binili mula sa Japan.

Binigyang diin rin ni Zubiri, na isang mahalagang kaalyado ng Pilipinas ang Japan, at ang kanilang tulong ay mahalaga sa modernisasyon ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Umaasa rin ang senador, na sa pamamagitan ng partnership na ito ay mas makakamit ang kapayapaan sa rehiyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us