Pinuri ni House Committee on National Defense and Security Vice-Chair at Iloilo Representative Raul Tupas ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement.
Aniya, isa itong mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa.
Ipinapakita rin aniya nito na gumagana ang diplomasya.
Sabi pa ni Tupas na hindi malayo na magbukas ito ng pintuan para sa iba pang mga bansa na magkaroon din ng kahalintulad na kasunduan kasama ang Pilipinas.
Partikular ang mga nagsusulong ng kooperasyon at kumikilala sa rules-based international order lalo na upang tiyakin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
“Building blocks of diplomacy and cooperation like this new pact can lead to more bilateral agreements with our neighbors who prefer cooperation over discord. It is possible for the Philippines to have a similar reciprocal access agreement with South Korea. The Philippines has a bilateral border with Indonesia. Similar pacts can be forged with Brunei and Malaysia,” ani Tupas.
Sa ilalim ng RAA, palalakasin ang military cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palitan ng drills at military exercises sa pagitan ng mga sundalo ng dalawang bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes