Inactivate na ng DSWD Disaster Response Command Center (DRCC) ang Red Alert status kaugnay ng banta ng Habagat at bagyong Carina.
Ayon sa DSWD, nakatutok na ito ngayon, partikular ang DSWD Disaster Response Management sa sitwasyon sa mga apektadong lugar.
Nagkaroon na rin ng pulong ang ahensya sa pangunguna ni Disaster Management Group Undersecretary Diane Rose Cajipe para talakayin ang ikakasang disaster response ng ahensya.
Tuloy-tuloy rin ang mga interventions sa pagtugon sa kalamidad kabilang ang pag-pre-posisyon sa family food packs.
Sa kasalukuyan, aabot sa ₱2.5-billion ang nakahandang resources ng DSWD kung saan ₱103.34-million ang standby funds, habang ₱1.21-billion naman ang halaga ng family food packs. | ulat ni Merry Ann Bastasa