Red Cross, naghatid ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektado ng masamang panahon sa bahagi ng Mindanao.

Batay sa pinakahuling ulat mula sa Operations Center ng Red Cross kahapon, aabot sa walong indibidwal na ang kanilang nasagip sa Zamboanga City.

Maliban dito, nagbigay din ang kanilang Welfare Services ng psychosocial first aid sa may 40 indibidwal sa Sultan Kudarat; 141 sa Zamboanga City; 21 sa General Santos; at 4 sa Cotabato.

Dagdag pa ng Red Cross, umabot na sa 564 indibidwal ang nabigyan nila ng hot meals sa Zamboanga City habang 450 naman sa Cotabato.

Samantala, naghatid ang grupo ng Water, Sanitation and Hygiene o WASH Services sa 450 indibidwal sa Cotabato at 364 indibidwal sa Zamboanga City. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us