Inaasahang magpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa buong Metro Manila dahil sa nananatili pa rin ito sa Red Rainfall Warning.
Sa Heavy Rainfall Warning ng PAGASA, alas-8 ng umaga, Red Rainfall Warning level na ang nakataas sa National Capital Region (NCR) kasama pa ang Rizal, Bataan, Pampanga, at Bulacan.
Sa ilalim ng Red Rainfall Warning, mataas ang banta ng pagbaha sa mga lugar na madalas binabaha.
Posible ring magdulot ng landslide ang ulan sa mga lugar na prone sa landslide.
Orange Warning level naman ang nakataas sa Cavite at Zambales, habang nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning ang Laguna, Batangas, Tarlac at Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc).
Pinakikilos na ng PAGASA ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga apektadong lugar hinggil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa