Rekomendasyon ni Finance Secretary Recto na i-ban na ang POGO, sinang-ayunan ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang rekomendasyon ni Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal sa bansa ang operasyon ng lahat ng mga POGO.

Ayon kay Gatchalian, matagal na nilang minumungkahi ang total ban sa mga POGO dahil sa mga krimen at ilegal na gawaing inuugnay dito.

Nakita na aniya sa mga imbestigasyon ng Senado at ng mga otoridad ang human at sex trafficking, serious illegal detention, money laundering, torture at online scamming na kakabit ng mga POGO operation.

Giit ng senador, ang ganitong mga krimen ay nagpapahina sa seguridad at kaayusan sa Pilipinas.  

Kaya naman nanawagan ang mambabatas ng suporta at pagkakaisa ng lahat ng stakeholders para sa rekomendasyong ito.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni PAGCOR Chairperson Alejando Tengco na hindi sila kokontra kung magdesisyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang Kongreso na ipasara na ang lahat ng POGO.

Sa kabilang bansa, pinahayag ni Tengco na nanghihinayang siya sa kita rito ng gobyerno kung saan ngayong taon ay tinatayang aabot sa P22 billyon hanggang P23 billion ang maaaring makuha mula sa mga POGO. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us