Relief efforts sa mga binaha sa Maguindanao del Norte, tinutukan nina DSWD Sec. Gatchalian at SAP Sec. Lagdameo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtungo sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Special Assistant to the President (SAP) Secretary Anton Lagdameo sa Matanog, Maguindanao del Norte para personal na tutukan ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha bunsod ng southwest monsoon.

Bukod sa relief packs, namahagi ang mga ito ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na agad asistehan ang mga tinamaan ng matinding pagbaha kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bukod naman sa pamamahagi ng ayuda, dumalo rin ang DSWD chief sa briefing sa Tactical Operations Group XII kung saan tinalakay ang komprehensibong report sa mga pinsala bunsod ng southwest monsoon pati ang ongoing assistance efforts.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para sa agarang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng matinding pagbaha sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us