Relief ops ng Malabon LGU, nagpapatuloy para sa higit 29,000 residenteng apektado ng pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakaagapay ang pamahalaang lokal ng Malabon sa mga residenteng apektado ng pagbaha dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Sa pinakahuling tala ng LGU, aabot na sa 5,808 na pamilya o higit 29,000 indibidwal ang nahatiran nito ng relief packs.

Mayroon ding higit sa 1,800 na pamilyang nananatili sa evacuation centers ang nakatanggap ng food packs na may lamang bigas, canned goods, tubig, at kape.

Sa ngayon, tuloy-tuloy rin ang pag-arangkada ng Walang Tulugan Serbisyo Caravan ng LGU na nag-aalok ng medical mission at libreng legal consultation sa mga apektadong barangay.

Kaugnay nito, nakatakda ring mamahagi ang LGU ng emergency cash assistance na magsisilbing pangalawang ayuda para sa mga biktima ng super typhoon Carina. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Malabon LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us