Bumisita si House Appropriation Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Kasama si House Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at iba pang mambabatas, namahagi sila ng relief goods sa San Juan Gym, Bagong Silangan at Tatalon evacuation center.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas-Legazpi kay Rep. Co, sinabi nito na mahalagang makita nila ng personal ang kalagayan ng ating mga kababayan na nabaha dulot ng matinding buhos ng ulan.
Aniya, nakita nila ang pangangailangan at sitwasyon ng flood victims at ikukonsidera ito sa pag-aaral ng 2025 budget.
Diin nito, makatutulong din ang kanilang pagbisita sa mga evacuation center lalo na at nakatakda ang pagsisimula nilang pagbusisis sa pambansang budget na isusumite ng Department of Budget and Management sa Kongreso sa Lunes. | ulat ni Melany Valdoz Reyes