Tinrabaho ng Kamara ang pag-repaso sa mga kasalukuyang batas sa iligal na droga upang mapaigting pa ang laban ng pamahalan dito.
Ito ang tinuran ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers sa katatapos lang na drug policy and reform summit.
Aniya, tinutukan ng Kamara ang review sa RA 9165 upang maipatupad ng tama ang bagong mga polisiya hinggil sa laban kontra iligal na droga.
Katunayan, noong 17th Congress isa sa amyendang isinulong ang pagkakaroon ng legal presumption na magpapalakas sa pagtugis, pagsasampa ng kaso at pag-convict sa mga illegal drug manufacturers, importers, coddlers at financiers.
Gayonman, walang kahalintulad na panukala ang inihain sa Senado.
Sabi pa ni Barbers ang pinaka layunin ng amyenda sa Dangerous Drugs Law ay maghigpit sa supply side upang maputol ang access sa iligal na droga at makalaya ang biktima sa drug dependence.
Kasabay nito ay ang pagpapatupad ng komrehensibong rehabilitasyon sa mga biktima ng iligal na droga at pagpapalakas sa mga barangay anti-drug councils.
“Through the able leadership of Speaker Romualdez and the staunch commitment of President BBM, we see a stronger and better chance to turn the tide towards freedom from illegal drugs and give hope and brighter future to our people, saving society from the menace that has ended so many dreams, lives and families”, sabi ni Barbers.
Tiniyak din ng mambabatas ang maigting na pag-suporta ng Kamara sa BIDA program ng pamahalaan na nakatutok sa pagbibigay ng edukasyon at trabaho sa mga rehabilitated victims bilang paghahanda sa pagbabalik sa lipunan.
Umaasa naman si Barbers na masertipikahan bilang urgent ang panukala na mag-aamyenda sa Dangerous Drugs Law. | ulat ni Kathleen Forbes