Tinitignan ng Department of Agriculture na masimulan na rin sa darating na biyernes ang Rice for All program o pagbebenta ng mas murang bigas sa general public na bukod pa sa P29 program.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, maaaring isabay na ito sa pagbubukas muli ng panibagong round ng P29 sa darating na biyernes hanggang linggo.
Sa ilalim ng programa, ibebenta ng P45-48 ang kada kilo ng well milled rice na mas mura kumpara sa palengke.
Kaugnay nito, sinabi ni Asec. De Mesa na bukod sa pagpapalawig sa P29 sa Marikina, Malabon at Navotas ay isusunod din ng DA ang paglarga ng programa sa iba pang lalawigan sa labas ng Metro Manila.
Kabilang dito ang Laguna, Cavite, at Batangas na posibleng mapasama na rin sa P29 sa susunod namang linggo. | ulat ni Merry Ann Bastasa