Isang rider na nagpakilalang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang nahuli sa pagdaan sa EDSA Busway sa isang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Sa report ng ahensya, pinatabi ang rider para tiketan ngunit bigla nitong inabandona ang kanyang motorsiklo bitbit ang susi at sumakay ng taxi para tumakas dahil may hinahabol umano itong hearing.
Sa ginawang imbestigasyon ng SAICT, napag-alaman na expired ang rehistro ng motorsiklo.
Hinatak at dinala na ito sa impounding area ng Land Transportation Office (LTO).
Papadalhan din ang rider ng show cause order para pagpaliwanagin.| ulat ni Diane Lear