Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Northbound at Southbound lane sa pagitan ng Balintawak Cloverleaf at Balintawak Toll Plaza.
Sa abiso ng NLEX Corporation, may isasagawang roadway lighting repair sa nasabing lugar na may 100 metro ang haba.
Ipapatupad ang lane closures tuwing alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga, simula sa Hulyo 9 hanggang 16 , 2024.
Kasabay nito ang isasagawa ring gantry installation works sa bahagi ng Mapulang Lupa area sa Valenzuela City, sa Hulyo 9, gayundin sa Torres Bugallon Bridge area at pagkatapos ng NLEX Tabang Entry ramp.
Isasagawa din ito tuwing alas alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga hanggang matapos sa Hulyo 12, ngayong taon.| ulat ni Rey Ferrer