Sapang Liwanag Bridge sa Pasig City, 6 na buwang isasara sa mga motorista simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista.

Pansamantalang isasara sa mga motorista sa mga piling oras ang Sapang Liwanag Bridge sa Brgy. San Miguel sa Lungsod ng Pasig simula ngayong araw.

Dahil dito, hindi muna madaraanan ng mga motorista ang naturang tulay na magsisimula sa Dr. Pilapil mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ayon sa Pasig LGU, layon nito na bigyang-daan ang pagtatayo ng double barrel reinforced concrete box culvert at ang road basement sa naturang tulay.

Tatagal ng anim na buwan ang naturang pagawain o hanggang sa January 15 ng susunod na taon.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang maaapektuhan ng naturang proyekto na dumaan na lamang sa Mercedes Avenue o sa iba pang alternatibong ruta upang hindi maabala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us