Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na sapat ang pwersa ng kapulisan para sa pagbubukas ng klase, sa kabila ng patuloy na pagka-abala ng mga pulis sa pagtulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo.
Sa katunayan aniya ay matapos ang trabaho ng 22 libong pulis na idineploy sa Metro Manila noong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, walang pahinga ang mga ito sa pagresponde sa mga biktima ng bagyo sa mga sumunod na araw.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na hanggang sa ngayon tuloy-tuloy parin ang ang isinasagawang search, rescue and retrieval operations, gayundin pagtulong ng PNP sa clearing at relief operations.
Kasabay nito, ipinagutos aniya ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagdeploy ng 33-libong mga pulis sa mga paaralan, at pagtatayo ng Police Assistance Desks para pagbubukas ng klase.
Bukod sa pagtiyak ng seguridad ng mga mag-aaral, tutulong din aniya ang mga pulis sa Brigada Eskwela clean-up initiative partikular sa mga lugar na lubhang sinalanta ng nagdaang kalamidad. | ulat ni Leo Sarne