Idineklara ng Korte Suprema na exempted sa pagbabayad ng Real Property Tax ang National Food Authority (NFA).
Ito ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman matapos singilin ng Tagum City ang NFA ng ₱2 milyong piso na Real Property Tax noong 2008.
Sa petisyon ng NFA, kinuwestyon nito ang naging desisyon ng Court of Tax Appeal kung bakit dapat nilang bayaran ang Real Property Tax gayung sila ay ahensya ng pamahalaan.
Paliwanag ng NFA, hindi naman sila isang korporasyon na pribado kung kaya’t hindi dapat sila kasama sa mga pinagbabayad ng buwis.
Kinatigan ito ng Supreme Court at binaligtad ang desisyon ng CTA at sinabing isang government agency ang NFA na dapat ay libre sa pagbabayad ng Real Property Tax. | ulat ni Mike Rogas