Search and rescue ops sa nawawalang mangingisda sa Subic, Zambales, ipinagpapatuloy pa rin ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bigo pa rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na makita ang isang mangingisda na nawawala mula noon pang nakaraang linggo sa karagatan ng Subic, Zambales.

Kasunod ito ng insidente ng banggaan ng foreign vessel at bangkang pangisda noong July 3 kung saan lumubog ang sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda.

Sa ulat ng PCG, nakaligtas ang 47-taong gulang na si Robert Mondoñedo pero hindi mahanap ang kaniyang kapatid na si Jose Mondoñedo matapos ang insidente.

Sa salaysay ng nakaligtas na biktima, binangga ng foreign vessel ang kanilang sinasakyan dahilan upang magpalutang-lutang siya hanggang makita at mailigtas makalipas ang tatlong araw.

Sa ngayon, patuloy na naghahanap ang BRP Sindangan at nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Indonesian Port State Control dahil nasa karagatang sakop nila ang dalawang foreign vessels ng China na hinihinalang sangkot sa insidente.

Ayon pa sa PCG, bulk carrier ang dalawang suspected Chinese vessels na may pangalang Yong Fa Men at Mei Lan Hu.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Chinese Embassy at susulat din sa China Maritime Safety Agency kaugnay sa imbestigasyon. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us