Nagpahayag ng pakikidalamhati si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. at ang buong Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa pagpapanaw ni National Amnesty Commission Commissioner Nasser Marohomsalic.
Sa isang statement, ipinaabot ni Sec. Galvez ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Commissioner Marohomsalic, mga kaibigan, at lahat ng naging bahagi ng buhay ng opisyal.
Sinabi ni Galvez na bilang NAC commissioner, ibinandera ni Marahomsalic ang kahalagahan ng Amnesty Program ng pamahalaan sa pagsulong ng kapayapaan sa bansa.
Ayon kay Galvez, sa kabila ng pagkawala ni Marahomsalic, ay nakakintal pa rin sa isipan at puso ng lahat ng kanyang nakatrabaho, ang kanyang malaking kontribusyon sa kapayapaan. | ulat ni Leo Sarne