Sec. Teodoro, Gen. Brawner, nakipagpulong sa chairman ng US Joint Chiefs of Staff

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Chairman ng United States Joint Chiefs of Staff na si General Charles Q. Brown sa pagbisita nito sa Camp Aguinaldo kahapon.

Sa pagpupulong ng mga opisyal, binigyang diin ni Sec. Teodoro ang kahalagahan ng patuloy na kooperasyon sa pagitan ng “defense establishments” ng Pilipinas at America, partikular sa pagtugon sa mga “critical concerns” katulad ng mga banta sa “cyberspace”.

Tinukoy naman ni Gen. Brown ang kahalagahan ng kanyang pagbisita para isulong ang bilateral cooperation ng dalawang bansa.

Kapwa naman naghayag ng positibong pananaw ang dalawang opisyal sa magandang itinatakbo ng General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Gen. Brawner sa pagbisita ng kanyang US counterpart at sinabing nagpapadala ito ng mensahe na nananatiling malakas ang uganayang-militar ng Pilipinas at Estados Unidos.  | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us