Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pagkakaisa ng buong bansa sa likod ng 2016 Arbitral award na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone (EEZ) West Philippine Sea.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa paggunita ng ika-8 anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration laban sa ilegal na pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan.
Sinabi ng kalihim na ang tagumpay na ito ay “isinasapuso ng bawat miyembro ng ating Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, lalung-lalo na ang ating mga kawal na nasa LS57, BRP Sierra Madre. “
Ito aniya ay para masiguro na ang likas na yaman sa West Philippine Sea ay mapakinabangan ng kasalukuyan at mga susunod na Henerasyon.
Giit ng kalihim, ang likas na yaman ng Pilipinas ay para sa mga Pilipino. | ulat ni Leo Sarne