Sec. Teodoro: Relasyon ng Pilipinas at Japan, na-“upgrade” sa paglagda ng RAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Na-upgrade sa mas mataas na antas ang partnership ng Pilipinas at Japan sa paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA).

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang pakikipagpulong kay Japanese Defense Minister Minoru Kihara sa Shangri-la The Fort, Manila sa Taguig City, ngayong araw.

Sinabi ni Teodoro, ang RAA ay isa na namang “milestone” sa nagkakaisang layunin ng Pilipinas at Japan na itaguyod ang rules-based international order at tiyakin ang kapayapaan at istabilidad sa Indo-Pacific Region.

Kasabay nito, nagpasalamat si Sec. Teodoro sa Japan sa lahat ng kanilang tulong sa iba’t ibang larangan.

Malugod namang tinanggap ni Minister Kihara ang paglagda sa RAA, na maihahalintulad sa Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Estados Unidos, at sinabing ito ang kumakatawan sa patuloy na lumalim na “cooperative relationship” ng Pilipinas at Japan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us