Seguridad para sa ikatlong SONA ni Pres. Marcos Jr, ikinakasa na ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay QCPD District Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan, higit sa 6,000 tauhan ang kanilang ipakakalat sa paligid ng Kamara upang magbigay ng seguridad.

Tututukan din maging ang mga lugar na kadalasang pinagtitipunan ng mga nagkikilos protesta kabilang ang Mabuhay Rotonda, Quezon City Memorial Circle, kahabaan ng Commonwealth Avenue, at paligid ng Batasan Complex.

Kabilang din aniya sa mga pag-uusapan sa mga susunod na pagpupulong ang pagde-deploy ng K-9 units, paglalagay ng signal jammer, at kung ipagpapabawal ang paggamit ng drone sa ilang area malapit sa Batasang Pambansa.

Inaayos na rin ang Traffic at Rerouting Plan.

Dagdag pa ni Maranan, magpapakalat din ng mga pulis na nakasuot ng civilian clothes upang magbantay sakaling mayroong maghahasik ng kaguluhan sa lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us