Seguridad sa Kampo Aguinaldo, hinigpitan kasunod ng 2+2 Ministerial Consultation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang maghigpit ng seguridad sa Kampo Aguinaldo ngayong araw kasunod ng isasagawang 2+2 Ministerial Consultations sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Amerika.

Batay sa abiso ng Department of National Defense (DND), suspendido ang camp access para sa mga sibilyan gayundin ang lahat ng transaksyon sa loob ng kampo.

Suspendido rin ang lahat ng aktibidad sa Camp Aguinaldo Golf Course.

Limitado lamang din ang mga gate na binuksan sa Kampo kung saan, Gate 5 pararaannin ang mga organic personnel habang sa Gate 6 naman ang VIP at iba pang organic personnel kabilang na ang mga mamamahayag na magko-cover. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us