Sektor ng transportasyon, nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas sa budget para sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit sa ₱100-milyong piso ang itinaas ng panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr) para sa susunod na taon salig na rin sa isinumiteng 2025 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management (DBM).

Mula sa kasalukuyang budget na ₱73.9-billion, sa panukalang 2025 budget, ay ginawa itong ₱180.9-billion o katumbas ng 144.8 percent na pagtaas.

Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kaya lumaki ang alokasyon sa DOTr ay dahil kailangan nang magbayad ang gobyerno para sa mga proyekto na karamihan ay foreign-assisted.

Partikular aniya dito ang mga railway projects gaya ng North-South Commuter Railway System, MRT-3 Rehabilitation Project, at Metro Manila Subway Phase 1.

Katunayan nasa ₱107.3-million ang alokasyon ng Rail Transport Program sa ilalim ng 2025 NEP.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸: DBM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us