Nirerekomenda ni Sen. Alan Peter Cayetano na maisama sa pinapanukalang bagong cabinet cluster na nakatuon sa edukasyon ang Department of Labor and Employement (DOLE) at ang Department of Budget and Management (DBM).
Bahagi ito ng isinumiteng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng second Congressional Commission on Education (EDCOM II) kung saan nagsisilbing co-chairperson si Cayetano.
Ang panukalang pagbubuo ng education cabinet cluster ay layong tugunan ang krisis sa pag-aaral sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malakas na koordinasyon sa pagitan ng mga pangunahing departamento at ahensya na nakatuon sa edukasyon at pag-unlad ng manggagawa.
Target nitong agarang harapin ang krisis sa pagkatuto at bumuo ng isang national education and workforce development plan.
Giit ni Cayetano, ang pagsali ng DOLE at DBM sa cluster ay para matiyak ang patuloy na mapopondohan ang mga programang alinsunod sa workforce development goals.| ulat ni Nimfa Asuncion