Kumpiyansa si Sen. Nancy Binay na walang magiging balakid sa Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Binay, highly qualified si Angara at kahit anong tanong ay kayang-kaya naman nitong sagutin.
Aminado naman si Binay na bitter sweet rin sa kanya ang pagkakatalaga ni Angara bilang education secretary.
Sinabi ng senadora na bagama’t proud moment sa kanilang grupo ang pagkakatalaga ni Angara sa deped ay nakakalungkot pa ring mawawalan sila ng isang episyenteng senador sa mataas na kapulungan.
Ayon kay Binay, malaking kawalan rin si Angara bilang isa lang siya iilang mga abugadong senador.
Mababakante aniya ni Angara ang pamunuan sana nitong Senate Committee on Justice na kadalasang pinamumunuan ng isang abugadong senador.| ulat ni Nimfa Asuncion