Mas nais pagtuunan ng pansin ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasagawa ng rebyu sa ipinapatayong bagong gusali ng Senado sa kabila ng paghahain ni Senadora Nancy Binay ng ethics complaint laban sa kanya.
Ayon kay Cayetano, sasagutin rin niya ang reklamo ng senadora pero sa ngayon ay ang prayoridad niya ang pagbusisi sa gastos sa New Senate Building (NSB).
Hindi aniya dapat ilihis ang usapin sa totoong isyu ng NSB.
Binanggit din ng senador na naniniwala siyang wala rin namang mangyayari sa ethics complaint ng senadora.
Sa kabilang banda, ayon kay Cayetano kung tutuusin ay pwede rin siyang maghain ng ethics complaint laban kay Binay.
Paliwanag ng senador, maituturing rin na unethical ang panggugulo ni Binay sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Accounts, ang pagsabat nito habang nagsasalita ang committee chairman at ang ginawa nitong pagwo-walk out. | ulat ni Nimfa Asuncion